Ngayong Hunyo 24, 2025, Isang Makasaysayang “Panagsapata” ang isinagawa sa Bayan ng Santo Tomas, kung saan pormal na nanumpa ang ating mga bagong halal na opisyal. Pormal na nanumpa sa tungkulin ang ating mga lingkod-bayan, sa pangunguna ng ating nagpapatuloy na Municipal Mayor, Engr. Severino C Carbonell
Kasama ring nanumpa ang ating butihing Bise Mayor, Hon. Carlito M. Dela Cruz Jr. at ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan Members (SBMs) na sina:
SBM Winnie N. Doctolero
SBM Mary Joy A. Agbuya
SBM Aldreyn Rey S. Cabico
SBM Jan Angelo G. Villanueva
SBM Tito A. Ofiaza
SBM Michael P. Peralta
SBM Julie Ann C. Devadeb
SBM Leonor J. Tagubat
Dumalo rin ang ating kinatawan mula sa 2nd District ng La Union, ang butihing Congressman Dante S. Garcia at Elected Governor Mario Ortega na nagbigay ng kanilang mahalagang mensahe. Kabilang din dito si Ms. Izel O. Guray (MLGOO VI) na nagbigay ng panimulang pananalita ng pagtanggap.
Pinangunahan ni Rev. Fr. George B. Alban (Parish Priest, Holy Guardian Angel Parish) ang seremonya sa pamamagitan ng isang thanksgiving mass.
Ang panunumpang ito ay maging simula ng mas masaganang kinabukasan para sa Santo Tomas. Sama-sama magpatuloy sa pag-unlad!