Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 51st Nutrition Month, pinangunahan ng ating butihing Local Chief Executive, Engr. Severino C Carbonell ang mga aktibidad para isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para sa bawat Tomasians.
Sa temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!”, muling pinagtibay ng LGU Santo Tomas ang pagtutok sa mga programang pangkalusugan at pang-nutrisyon upang matiyak na walang maiiwan sa laban para sa mas malusog na kinabukasan.
Sama-sama tayong kumilos tungo sa nutrisyong sapat, abot-kaya, at para sa lahat!